PAANO KIKITA NG MALAKING PERA:
MAHIRAP NA ANG BUHAY NGAYON. Lahat na lang ata ng Pilipino ito ang idinadaing. Totoo nga naman. Mahirap na talaga. Kung nakakabigat lang ng lupa ng Pilipinas ang problemang pinapasan nito malamang eh nandun na tayo sa center of the earth.
Kagagraduate ko. Salamat sa dasal at biyaya may trabaho na ako bilang mambobote. Buti na lang nakapasa ako sa training, ang hirap pala. Ang taas ng standards. Joke lang.
I landed on a very decent job, although may mga hang-ups eh kaya namang solusyunan. Iba ang pakiramdam ng nagtatrabaho ka. Napakabigat. Hindi ang trabaho kundi ang responsibilidad na iniisip ko sa tuwing nagtatrabaho ako. Hindi pa ako sumusuweldo eh ubos na ang laman ng pitaka ko sa pagkwenta pa lang ng mga gastusin. Hindi ako pamilyadong tao, hindi rin naman ako breadwinner ng pamilya. Pero sa perang kikitain ko, wala na talaga akong maiipon. Kung meron man, tamang pang-pusoy dos na lang namin ng mga college friends ko. Taena. Kung nakakyaman lang palima-limampisong taya sa pusoy kahit 24 hours ako maglaro okay lang.
Kaya naman nang magkausap kami ng isa kong kaibigan, nag-isip kami ng mga paraan para naman makatipid. Feeling ko naman okay ang mga naisip namin, pero sa dulo napagtanto naming pareho lang kaming problemado at walang tulog.
KUMITA NG PERA!
1. Since advertising major ako at advertising din naman ang trabaho ko ngayon, napagisip naming mga magbabarkada na pumunta sa biggest drug dealer sa buong mundo. Tama. Malaki ang pera sa droga, kaya naisipan namin na mag-pitch (presentation ng isang full-blown campaign) sa biggest drug dealer ng mundo. At siyempre ang aming produkto ay ang di mamatay mamatay na droga. Inisip naming malaki ang pera dito. Kahit hindi na kami mag-tri media kakayanin ng flyers at isang malaking billboard sa EDSA. Simpleng copy lang naisip namin "DO NOT USE DRUGS, JUST BUY THEM" At least may social responsibility pa rin kami. Di pa rin namin sila hinihimok gumamait ng masamang gamot di ba? Isa pa ay ang " PANTANGGAL LIBOG" Ang target market namin dito ay mga babae. Maraming malilibog na lalaki sa mundo, matutuwa ang mga babae dahil madalas sila ang gumagawa ng purchase decision. Yayaman kami pag na-mainstream namin ang droga, yun nga lang baka isang araw pa lang eh hulihin na kami at kausapin ng Senado.
2. MAGLAKAD PAPUNTA SA TRABAHO. Nung una hindi ako sang-ayon dito. Dahil taga-laguna ako at sa THA FORT ang office namin. Inisip ko kagad kung paano ako aakyat ng SKYWAY. Pero sa madibdibang pagpapaliwanag sa akin ng kaibigan ko kung paano ako makakatipid ng pamasahe eh napapayag din ako. Isipin mo, pasok ko sa umaga ay 9, gigising ako ng 2 at aalis ng 3. Dadaan na ako sa ospital para magparesrve ng ambulansiya at ng kwarto dahil malamang nasa Alabang pa lang ako eh nag-collapse na ako.
3. MAGIMBENTO NG YOSI. Lucrative ang business ng yosi. People from all walks of life smoke. Kaya madali ang pera don. Maraming dahon sa paligid. Plano naming dikdikin na lamang iyon at gaeing laman ng yosi. Graphic artist ang isa kong kaibigan kaya solve na kami sa packaging atr label. Ibebenta namin ito sa mga adik. Ano bang alam ng mga adik sa kung ano pa ang normal di ba?
4. SUMALI SA MGA GAMESHOWS: Kanya-kanya ng mga choices, may WHEEL FO FORTUNE, GAME K N B?, at DEAL OR NO DEAL. Sabi ko naman sa WOWOWEE ako sasali. Madali lang dun, magbibilad lang ako araw para magbalat uling, hindi magaahit at hindi maliligo. Tiyak na ang physical appearance ko nun. Tapos sa artihan portion naman, dadalhin ko ang aso ko. Bago ko siya dalhin tatanggalan ko muna ng isang mata at isang tenga. Para lalong magmukhang kawawa. (sorry MAPHIE). Sasabihin kong si Maphie na lang ang kasama ko sa buhay ko at ang mga magulang ko ay iniwan ako ng bata pa ako at pumunta sila sa ibang bansa para takasan ang kaso nilang murder at forgery. Tapos iiyak ako, sasabihin kong nasa ospital ang isa kong kaibigang kumakain ng apoy sa perya dahil naaksidente nang makalimutan niyang dapat pa lang patayin ang apoy. Maaawa si pappy at makikita niyang kailngan ko ng pera. Bibigyan niya ako ng excess. Tapos sa talent ko, iinvite ko si Stella Ruiz at magduduet kami ng "CRY OVER YOU" niyang kanta. Kawawa naman siya, di siya sumikat sa kanta niya.
5. MANGHOLDAP. Nagkakatinginan lang kaming lahat nang masabi ito. Naisip naming pare-pareho pala kaming may mga pera non. Malamang magkawalaan ng wallet pag nagkatulugan na.
6. PUMUNTA KAY EDDIE GIL. Mangungutang kami, Kahit wala siyang pera mangungutang kami. Alam naming gagawan niya ng paraan para lang may mapautang siya pag sinabi namin sa kanyang siya talaga ang gusto ng karamihan ng mga PILIPINO na maging presidente. Dahil gaya ng bawat PILIPINO, sing-taas ng langit ang pangarap niya.
7. UMAKYAT SA MGA BUS AT MAMALIMOS. Effective to. At makatotohanan. Sumaky kayo sa EDSA ng bus. Maraming mga artistang kalye na kala mo walang tirahan.
Matapos ang ilang diskusyon, napagtanto naming wala pa kaming tulog. Kaya nagpaalamanan na ang lahat at nag-babye na.
GAGAWIN NAIMIN ITO LAHAT. PROMISE.
No comments:
Post a Comment