7/25/2008
KWENTO NG OOOMPA-PA.
Noong hihgschool kami ay uso ang speech choir, kung saan isa ito sa mga malaliking competition sa school. By year level ang labanan. Masaya ang practice kasi laging walang klase. At masaya ang walang klase dahil nakaktulog ako.
Ang piece namin noon ay "THE BALLAD OF THE OYSTERMAN", isang kwenton korni ito. Habang nagiisip si Gonzales at ibang mga epal sa classroom ng tono na gagawin at actions, tamang tambay muna kami sa corridor kung saan nakikipagtsismisan sa kabilang classroom.
PRACTICE TIME
Sinimulan na ang pagtuturo, nakuha na ang tono at ngayon ay gagawin naman ang mga stunts. May action kami na magpapalit ang babae at lalaki ng pwesto. Mula kanan lilipat sa kabila ang grupo ng mga lalaki at ganun din naman ang mga babae. So, magkakasalubong kami noon. Gagawin namin yon habang sinasabi ang linyang "OOM-PA-PA" ng may conviction at buong puso mo isya dapat sabihin. Kasalubong ko noon si Che, ang classmate kong mataba na maitim pero matalino.
WORST NIGHTMARE:
Nang isinagawa na namin ang stunt, nagkasalubong na kami ni Che, at pag daan niya sa akin, may napansin akong nakalawit sa ilong niya na medyo color green. Dahil fast-phase ang movement namin di muna ako nagconclude kung ano yun. So, isa pang practice para maconfirm ko kung ano nga yun. Second time. Hindi ako namamlik mata. May nakusli nga, may nakasilip na animo'y nagpaparamdam. Nang nag-break.
HYPOTHESIS:
Kulangot ang nakalawit sa ilong ni Che.
EXPERIMENTATION:
Lumapit ako kay Che para kunyari may itatanong ako. At pag lapit ko, isang malaking "WHOA" na lang ang sinabi ko sa loob ko.
CONCLUSION:
Isa ngang kulangot ang nakalawit at gustong kumawala mula sa pagkakabihag.
Hindi ko sinabing may kulangot siya. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Nagpatuloy ang praktis kasama ang naghihingalong kulangot sa ilong ni Che. At di nagtagl ay marami nang nakapansin at nagtatawanan na ang lahat. Hanggang lumapit na si Fatima, isang kaibigan ni Che at sinabihan na siya nito.
Tinanggal na ni Che ang kulangot. Nalungkot na ang buong klase. Wala ng excitement sa practice.
TANONG:
Ano kayang sinabi ni Fatima kay Che? Pano niya sinabing may booger siya?
THEORY:
" Che, kulangot mo naman, hindi na makahinga sa loob ng ilong mo. Magbawas ka naman"
NOTE: Hindi po ako masamang tao. Sadyang masayahin lang ako. Hhahahah.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment