7/28/2008
ANG MGA BISAYA.
Bisaya ang nanay at tatay ko. Pero kahit kailan, wala akong nadapt na lingwahe sa kanila. Kahit man lang yung accent nila hindi ko nakuha. Laking manila kasi kaya ganun.
Matitigas ang dila ng mga bisaya. As in matigas. Hindi ata nila maunat ang dila nila kapag binibigkas ang ibang mga letra. Pag si mama galit sa akin at magsisimula nang mapikon dahil hindi ko malinis-linis ang kwarto ko, magbubunganga na yun. As in literal na bunganga. Maingay. Parang hyper machine gun ng METAL SLUG. Pero magtataka na pag glit ang mga bisaya. Parang manilenyo at manilenya na ang accent. Inasar ko pa nga si mama nun, sabi ko "Ma, accomplishment yan ah, straight tagalog, walang bahid ng pagka-bis (bis: in short for bisaya). Matapos kong sabihin yun kay mama, isang mahalagang leksiyon ang natutunan ko... WAG KANG MANGAASAR SA TAONG MAY HAWAK NA KUNG ANOUMANG MAAARI NIYANG IBATO". Binato ako ni mama ng sandok dahil nagluluto siya.
Nung bakasyon, nagpunta kami ng bohol. Hometown ni mama. Excited ako makita ang dating lugar ng nanay ko. Nakakatuwang isipin na maraming mga bagay ang pinagdaanan muna ni mama bago siya makarating sa maynila.
Nung nasa Bohol na kami, nagulat ako sa mga nakita ko. First time ko sa VISAYAN REGION makapunta at first time ko din makapunta sa lugar kung saan hindi ako masyadong maintindihan kahit na magtagalog ako ng matatas. Purong bisaya talaga ang mga tao doon. As in biaya talaga ang kinalakhan nilang linggwahe.
Pagdating ko sa lolo't lola ko, nakakmangha si lolo. Daig pa ang kampanerang kuba. Sorry lo. Kurbadong kurbado ang likod ng lolo ko. Kakasaka siguro at kakangisda. Ayun. Kulang na lang sa kanaya eh gulong, aandar na siya at sabaysabay magpependungan ang mga tanga sa kalye.
Si lola naman hip pero bisayang hip. Hindi siya gaya ng ibang lola na parang tanggap na sa buhay na malapit na silang mamaalam. Si lola, kinukuwenta na siya raw ang pinkamagaling na artista dati sa mga piyesta tuwing may mga play sa plaza. Proud na proud si lola sa mga play niya. Sumsayw pa siya sa harapan namin. Nakaktuwa talaga si lola. Blisfully unaware na pinagtatawanan namin siya because she looks stupid. HAHAHAHA! Joke lang.
May mga Visayan terms din sa BOHOL na sobrang nakakatawa. Gaya ng salitang "tumoy". Ang "tumoy" ay kanto sa tagalog. Yata ah! hahaha. Hindi ko na matandaan. Kasi nakalimutan ko ang ibig sabihin nun. But anyways, hindi na mahalaga ang kahulugan nun basta nakakatawa siyang pakinggan.
At dahil wala akong magawa, ginawan ko siya ng isang eksena sa Bohol din mismo.
"ANG TUMOY"
Isang binata ng nagpacheck-up sa doktor dahil sa patuloy na pagsakit ng kanyang ulo. Matapos check-upin ay naghintay ang binata para sa kanyang mga resulta. Nang lumabas na ang doktor para ibalita ang findings...
BINATA: Dok?
DOKTOR: I hate to break the news, but We found a "TUMOY" in your brain. And we're only giving you one month to live. I'm sorry.
BINATA: HINDEEEEEEEE!
Masyadong O.A ang rection ng binata. Dahil kung ako ang sinabihan ng doktor non, imbis na maglupasay ay tatawa lang talaga ako.
Proud ako bisaya ang mga maglang ko at natutuwa ako pag nakikipagtalasyasn sila ng english sa aming mga magkakapataid. Makikita mo ang dugo sa ilong nila na tumtulong parang gripo.
Bakit nga ba naging tampunan ng tukso ang mga bisaya sa lipunan? Kahit sa jeep di mo maiwasang mapakbit balikat pag may nagsabing " MA, BAYAD OH! SHOW-BULEBARD" (pertaining to SHAW BOULEVARD.
Wala naman akong masamang intensiyon, masyahin lang talaga akong tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment