7/23/2008



TIPS PARA SA ISANG MASAYANG BUHAY: (NOT ADVISABLE TO EVERYONE)





1. Manlait ng kapwa. As in literal na kapwa. Kung pangit ka, manlait ka din ng kapwa mo pangit. Kung pango ka manlait ka ng kapwa mo pango. Mas maiging piliin mo ang mga kaibigan mo. Ang kaligayahan dito ay depende kung paano ka titirahin din ng nilalait mo.

ISANG MABUTING HALIMBAWA:

Sa Mc Donalds...

MANLALAIT: Bakit ganyan ang ilong mo? Ang laki?

NILALAIT: Liit ng ilong mo ah?

MANLALAIT: Alam kong sarat ako, pero bagay naman sa mukha ko, cute pa rin naman ako.
Yung sa iyo kasi, parang Palawan Cave. As in, may nakatira ba diyan? Mga ninja?
Maliit naman mukha mo. Pero center-piece yang ilong mo eh. Borgang ilong!

NILALAIT: Ang sama mo! Ganun talaga pag maganda ka hindi lahat dapat perpekto sa iyo.
Dapat may flaws! Tignan mo ikaw, bagay nga sayo yang ilong mo, napakalaki naman
ng panga. At least safe ka sa mga holdapers. Pwede mong gawing shield yan pag na-
holdap ka. Tsaka isipin mo, all-around yang panga mo, pwedeng chopping board,
inclined plane tsaka pag naglaro tayo ng 1-2-3 pass eh sigurado kahit limang beses
ka matalo hindi mapupuno yang mukha mo.

MANLALAIT: Ngayon ko lang nakita ang mga potentials ng panga ko. Kung sa bagay may punto
ka. Allow me to distuinguish the uses of your bloated nose.

Pwede ka magnakaw ng walang makakapnasin. Singhutin mo lang ang gusto mong
nakawin at for sure safe na yun sa loob ng ilong mo. Parang warehouse na rin yan
sa laki eh. Tapos pwede mo na ring maging pirma yan. Lagyan mo ng ink ang
outer skin niyan eh pwede mo ng itatak. Perfect eight eh oh? Ang lupit.

NILALAIT: Tarantadu! Ang sama mo talaga.


Isa lamang yang halimbawa. Ang saya ay nanggagaling sa kung paano ka rin lalaitin ng nilalait mo. Masaya yan kung magaling kang manlait. Hahahaha! Wag kang manlalait ng hindi mo kapwa. Dahil number one, wala kang karapatan. Kung galisin ka at manlalait ka ng makinis eh mahiya ka naman. Itinalaga ang pagkakaiba-iba ng mga tao para lalo mong makita ang kahinaan mo.

2. Mangulangot once a day- There's nothing like the feeling of sticking your finger into your nose holes. Liberating ang pangungulangot. Maniwal ka. Huwg mo namang gawin sa harap ng maraming tao dahil kadiri ka naman nun. At lalong wag mong isusubo pagkakkuha mo dahil hindi ka na tao nun. May pagkain naman. Kung wala kang pambili bibigyan kita. Anumng daliri ang gamit mo, masarap pa rin. walang tatalo sa ginhawang nadudulot lalo pa at nakikita mo ang bunga ng pinaghirapan mo--- Ang kulangot.

IBA-IBA ANG KLASE NG KULANGOT.

a. Malagkit- ito ang mga kulangot na mahirap kunin kung minsan. Kulay berde(plema) ang mga ito.

b. Solid- ito naman ang mga kulangot na napaglipasan na ng panahon sa loob ng iyong ilong. Mapapansing pagkakuha mo nito ay may kasama na itong mga buhok, which is masakit at talaga namang mapapluha ka sa sakit. Pero rewarding pag nakuha mo na ito.

c. MALIKOT- ito ang pinakaayaw kong kulangot. Ito yung nakuha mo na pero dumudulas pa lalo sa loob ng ilong mo, hanggang ang tanging paraan na lamang para makuha mo ito ay isinga which is ayaw nating mangyari dahil gusto nating nakikita natin ang bunga ng pasghihirap natin.

d. DARK- kulangot na maiitim. Dahil sa polusyon at dahil na rin sa dumi ng hangin.

e. HILAW- Ang kulangot na .liquid pa pero pwede nang dukutin.


New Year's Eve ang pinakamasarap na time para mangulangot. Dahil sa dami ng paputok, at usok nito, tiyak makakajakpot ka ng maraming kulnagot.

3. MATULOG NG NANG HUBAD- Masaya ito. Dahil paggising mo sa umaga, hindi braso mo ang may bakat ng hinigaan mo kundi buong katawan mo. Masaya din kasi malamig and it guarantees to give you a longer time to sleep.

4. AMUYIN ANG MAMAWIS MAWIS NA KILIKILI- Kung may putok ka, wag mo n amuyin pa, dahil sa mundo iisa lang amoy ng putok. Masaya amuyin ang kilikili.

Ayan lamang ang ilan sa mga gawaing mgpapasaya sayo sa araw-araw. Hindi man kasing saya ng pagtama sa lotto, masaya pa rin yan. Isipin mo ang ligaya na nakukuha mo dito at damhin mo ito. Lalo na yung pangunguklangot.



No comments: