SWELDO KO NGAYON... PERO HINDI AKO EXCITED
It's payday time. Haaay. Dati excited pa akong sumuweldo. Pero ngayon hindi na. Para ngang ayoko na lang sumuweldo dahil ganoon din naman. Hindi ko rin naman maeenjoy. Ang labo kasi eh.
Sa araw-araw kasi, apektado ang krisis. Una, mataas na pamasahe. Masyadong mahal na ang pamasahe. Hindi mo mapapansing mahal siya kung pagbabatayan mo ang isang araw. Pero kapag ikaw ay gaya ko na tuwing kinsenas katapuan lang nagkakaroon ng pera, magugulat ka sa laki ng pamasahe mo. Pagkakuha ko ng sweldo ko, bnabawas o tinatabi ko na kagad ang pangpamasahe ko. Nagbibigay ako ng mga excess kung halimbawang may mga emergency na kailngang bilhin gaya ng porn. Malupit ang ekonomiya. Tinatapakan na niya ako, nilulubog pa niya ako ng malalim. Kun tutuusin, di naman aklo dapat mamoblema sa pera dahil kumikita naman ako, iba lang talaga pag budgeted na ang lahat. hindi na ako mkagalaw. Masakit na sa ulo ang pagbubudget. Pangalawa, punyeta na ang presyo ng mga bilihin ngayon. Dati, nagagwa ko pang kumain sa JOLIBEE pag inatake ako ng sweet na gutom lang. Nakakbili p ako ng "B1 double-go-large at ng isang regular spaghetti. Nagyon? Pumaapasok na lang ako doon para manghingi ng courtesy cup at makiinom ng tubig. Ang mahal na talaga. Ultimo mga candy ngayon piso n ang halaga. Pambihira talaga. Kung ako lang ay may special powers nagnakaw na ako ng pera ng mga huklubang politiko.
Dumadami na rin ang style ng panghihingi ng pera. Sa kalye pa lang eh. Dati tamang "palimos na linya lang eh, ngayon sumasayaw at kumakanta na. Meron pang mga gumagamit sa Diyos makahuthot lang ng pera sa mga tao. Naiinis ako pag may mga taong ganoon. Hindi nila alam na sa mata ng mga kagaya ko, isang ka-imoralan ang ginagawa nila. Nanloloko sila ng kapwa. Ang llaki ng mga katawan ayaw magtrabaho. At wag nilang idadahilan sa akin na walang trabaho dahil nagkalat ang trabaho sa lansangan. Ayaw lan nila magtiyaga. Naural hindi naman isang apply lang eh kuha ka na. Kaya limalaki ang rate ng unemployed. May mga tao kasing nawiwili sa kakatambay at kakatoma ng alak. May isa pa ngang bbae na dala ang kanayang anak na my hydrocephalus na nakaupo sa MRT. Umiiyak siya at nagdadrama doon. Kumukuha ng awa. Eh kung dinadala na niya ang anak niya sa ospital at tsaka sa kumilos, eh di may kinahantungan pa siya, hindi yung dinadamay pa niya anak niya. Artista na rin ang mga pulubi nayon. Pamatay na magbigay ng pubhline isang beses sa QUEZON AVE "Kuya pengeng barya, hahanapin ko lang ang kapatid kong nawawala, uuwi rin ako kagad pag nakita ko na siya. Kailangan ko lang talaga ng pera pamsahe pauwi namin". Di ba? Nagmomonologue sa harapan ko yun. Di ko nga binigyan. Pang-rurugby lang naman niya yun.
Nakakinis na sa hirap ng buhay, nababago ng lahat ng ugali ng tao. Masakit mang isipin pero wala na tayong magagawa kundi patuloy na mamaluktot sa kumot. Nakakpikon na ang balita na puro pagtaas na lang nilalaman. Haay buhay!
No comments:
Post a Comment